AUTOBIOGRAPHY
Ako si Glenn Daleon, ipinanganak ako noong January 4, 1999 na kung saan sa t'wing ipagdiriwang ko ang aking kaarawan ay tamang ininit lang ang aking mga handa dahil sa katatapos lamang ng bagong taon. Para sa paningin ng iba ako ay isang lalaki, pero ako yung lalaking may pusong babae. Noong ako ay bata pa ay sobrang kong payat, kaya naman pinurga ako ng aking magulang sa mga vitamins at mga pampagana sa pagkain kaya naman heto ako, sumobra ata ang mga gamot na binigay nilasa akin ang bigay ko ngayon ay 80 kg. na.
Pagbakasyon ang pinaka hilig kong gawin at ng aking pamilya ay ang pagswimming upang mapawi ang init na aming nararamdaman sa katawan. Bilang isang taong may pusong babae paborito ko ang paglangoy dahil siguro feeling ko nasa Disney Fairytale aki at kasama lumangoy ang prince charming ko.
Noong ako ay bata pa sobra kong likot kaya naman isang beses ay nahulog ako sa may tulay sa amin. Ito ay medyo may kataasan kaya naman nabalian ako. Agad naman akong dinala ng nanay ko sa albularyo, gumaling din naman agad ako non.
Una kong matikman ang alak ng magninong ako sa anak ng kapit-bahay namin, nahiya aki sa kanila kaya naman tinanggap ko ang alak nila na alak. Masama ang lasa nito pero kakaiba y'ung init na nararamdaman ko sa loob ng tiyan ko. Ikalawang beses ko naman na makatikim ng alak ay noonh moving up namin sa junior high nagkaaikitan lang kami non na maginim, at una ko ring makatikim ng sigarilyo yun na ang una at sana ay huli..
Mataba, yan y'ung kaunahang salita na makapagdedescribe sa'king sarili at ang aking malaking tiyan. May nagtanong noon sa akin, kung may kilala daw ako na Glenn yuong mataba. Sabi ko Oo at ako yun. Okay lang naman sakin na tawagin nila aki na ganon, iyon ako eh. Mahal naman ako ng mga kaibigan ko at dahil sa katabaan ko dahil sa katabaan ko, kasi pagkasaam daw nila ako may unan kana, kumot at kama.
Sa pag-aaral ako y'ung taong tamang nakakahabol lang sa mga lessons sa school, hindi naman ako y'ung katalinuhan, masipag lang ako mag-aral laya naman nagkakaroon ako ng mataas na grado, pinipilit kong maging mataas ang mga grades ko, dahil nga sa bakla ako, ano pang ihaharap ko sa magulang ko kung pati mga grades ko ay pabagsak na.
Hindi ko siguro matatapos ang Junior High, kung wala ang aking mga kaibigan. Gusto ko kasi ay y'ung laging may kasama at nakakausap. Ang mga kaibigan ko lang din ang napagsasabihan ko ng mga sikreto ko. Kaya sobrang laki ng dulot nila sa aking pagkatao.
Makapagtapos ng pag-aaral ang pinakang goal ko sa buhay sa ngayon, para masuklian ko ang lahat ng sakripisyo ng magulang at kapatid ko, naalala ko pa noong ibenta nila dati ang ilang parte ng tubigan namin para sa tuition fee ng kuya ko kaya naman gusto ko talaga makapagtapos. At syempre mabibili ko na y'ung mga bagay na kinahihilian ko ngayon.
Ang pinaka itinatago-tago ko ngayon ay ang aking kabaklaan sa aking mga magulang at pamilya. Dahil alam ko na sa ngayon ay hindi pa nila ako kayang tanggapin. Kaya naman ginagalingan ko sa school para makapahtapos na ako at matulungan na sila.
Lumaki ako sa tahanan na kumpleto, may tatay, nanay, at mga kapatid. Lumaki ako sa mga magulang na medyo istrikto., ayaw nila na lagi kaming nasa labas ng bahay, mas gusto nila na nakikita nila kaming nag-aaral.
Ang pinaka malungkot naman na pinagdaan ng pamilya ko ay nang mamatay ang aking Lolo sobrang lungkot ko noong mga oras na y'un, dahil noong nabubuhay pa siya ay ako ang nagpapakain sa kanya, nagpapaligo, pati nga paghugas ng puwet niya ako ang gumagawa bago siya mamatay.
Kung may babaguhin mann ako sa mundong ito ay ito y'ung sana mabago na ang masamang pagtingin ng mga tao sa mga bakla. Sobra sakit kasi para sa akin na kahit ang sarili mong pamilya ay hindi ka tanggap. Gusto ko y'un mabago para masaya na lang lahat sa mundo. Wala ng diskriminasyon sa aming mga bakla at iba pang uring kasarian ang meron.
Sobramg dami kong kaibigan dahil sa pagiging mabait ko, kahit na pagpaminsan-minsan ay napaka bully ko. Ako ang taong masasabihan mo ng problema ay lagi sila humihingi ng tulong.
Matatagpuan mo ang bahay ko sa kalib-libang part ng Silangang Mayao, dahil sobrang layo nito sa labasan, kaya naman madalas ay lagi akong huli sa school. Pero sa lugar na ito nakompleto anng pagkabata ko. Lahat siguro ng larong kalye ay nalaro ko na. Ang una kong first love ay babae, si Joyce Ann Rafa, mag best friend kami nu'ng grade 4, lagi kami magkasama kahit saan kami pumunta. Nang sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko ay na friendzone aki na sobra. Pinilit ko na lang na kalimutan siya.
Ang pinakang gusto kong parte ng bahay namin ay ang sala. Kasi may t.v. mahiig din ang pamilya ko na manuod ng mga movies. Ang pinaka ayaw ko naman ay ang kwarto ko hindi dahil sa pangit ito kundi sobrang layo nito sa sala.
Sobra akong masaya sa pamilya ko, kahit lagi akong bugbog sarado sa tatay ko noong bata pa ako. Naalala ko pa noong. Nahuli ako na nagsasasayaw sa labas ng bahay, napalo ako ng kahoy na madricacao ng over over. Kasi ayaw nila na maging bakla ako. Ngayon di ko pa masabi ang tunay na ako, pero hihintayin ko yung panahon na kaya ko ng sabihin sa kanila kung sino ako at yung pgmagkakataon na matatanggap din nila ako.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento